![]() | |
hi
![]() 20 | UPIS | CEU SEXY and CAREFREE Link Bold Italics lara monica
![]() This blog's consisting of super emotional feelings. Better be prepared for heartfelt narratives. All the written "stories" in here are based on a true-to-life story. tag
skype: acinomaral instagram: acinomaral formspring plurk multiply tumblr friends
friends :) MORE birthdays
is the date to remember forever. extras
thanks
layout by marianthanks to :♥ ♥ ♥ ♥ ♥ |
Just Another Day
hi. pwede ba kitang mamiss ulit? kahit ngayon lang.. I MISS YOU. I MISS YOU SO SO SO SO MUCH. gusto kong ipag sigawan sa buong mundo na miss na miss kita, pero alam kong mapapahiya lang ako dahil wala namang sasagot ng "I MISS YOU TOO". nakakaiyak yung pagkamiss ko sayo.. ang tagal tagal na kitang di nakikita (except for the LRT incidence). naka-ilang palit na ako ng phone pero hindi ko pa din nakikita ulit yung pangalan mo na magappear sa messages ko.. Ang tagal mo na din hindi lumilitaw sa news feed ko sa facebook.. miss na miss na talaga kita, sobra. :(
Nakakamiss yung mahahaba mong arms na niyayakap ako ng sobra, yung halos di na ako makahinga pero lalo mo pang hihigpitan kasi nanggigigil kang mangyakap. Miss ko yung mahahaba mong fingers at ang mga magagaspang mong palad, nakakamiss hawakan kahit puro kalyo. Nakakamiss yung matataba pero ma-muscle mong arms at ang hairless armpit, nakakamiss amuy amuyin. hahaha! nakakamiss yung pisngi mong ang lambot na ang sarap sarap ikiss. yung buhok mong medyo kulit, nakakamiss suklayin gamit yung kamay ko. Miss ko na din yung two front teeth mo. Nakakamiss yung boses mo, yung kadaldalan mo, walang katapusang mga kwento at mga kayabangan. Namimiss ko na yung amoy mo, yung amoy din ng pabango mo. Nakakamiss hawakan yung medyo mataba mong tyan. Nakakamiss maglean sa shoulder mo kapag inaantok ako tapos bigla mo nalang akong yayakapin. Nakakamiss yung mga "i love you, i love you too, i love you more, i love you most, i love you forevermore, and i love you to infinity and beyond" fights natin. Dati napapangiti ako nung mga yun, pero ngayon parang napapangiti nalang ako pero sabay iiyak. Namimiss ko yung pagiging matapang mo sa lahat ng bagay. Hindi ka natatakot sa kahit anong hayop o kahit sa horror movies, yun nga hilig mo db? kaya nga prati tayo nanunuod ng Saw o Final Destination. Namimiss ko nang makita kang kumain ng madami, yung paghingi mo ng extra rice sa Mang Inasal at yung tatlong kagat sa saging na malaki. hahaha! ang takaw mo grabe! Nakakamiss din yung mga pagaaway natin kasi nagtatampo ako odi nagsusungit ako, tapos sasabayan mo din ng pagsusungit, lalo tayo nagaaway eh ang gusto ko lang naman eh lambingin mo ako.. Nakakamiss yun, nakakatawa nalang alalahanin.
Nakakapanghinayang yung mga pagkakataong pinalampas natin para sana magwork yung relationship natin, lahat yun wala na.. Mga memory nalang silang lahat. Magmemeet kaya yung yung roads natin? Pano kaya kung magmeet ulit? Ano kayang mangyayari? Ugh. Ayokong maghope, ayoko na magisip ng mga ganya, ayoko na. Basta ang alam ko lang ngayon eh namiss kita. miss na miss kita. Gusto kong alalahanin lahat ng nangyari at pinagdaanan natin, pero mas makakaramdam lang ako ng lungkot nun. Mas okay na tong paminsan nalang kita namiss, pero yung minsan na yun, nakakaiyak pa din... ang pinagtataka ko lang eh bakit kahit gano kasakit yung ginawa mo saken, namimiss pa din kita..
Sumabay nanaman yung luha ko sa pagbuhos ng ilan, ano ba yan. :( sa mga nagbabasa ng blog ko, sorry, sorry dahil eto nanaman ako, may namimiss, nagddrama at umiiyak. Pasensya na talaga. Hindi ko mapigilan. Pero gusto ko lang malaman mo na sobrang nageeffort naman ako para makalimot at maka move on. talagang dumadating lang yung araw na nakakaramdam ako ng lungkot at kailangn ko lang ilabas..
![]() |