![]() | |
hi
![]() 20 | UPIS | CEU SEXY and CAREFREE Link Bold Italics lara monica
![]() This blog's consisting of super emotional feelings. Better be prepared for heartfelt narratives. All the written "stories" in here are based on a true-to-life story. tag
skype: acinomaral instagram: acinomaral formspring plurk multiply tumblr friends
friends :) MORE birthdays
is the date to remember forever. extras
thanks
layout by marianthanks to :♥ ♥ ♥ ♥ ♥ |
Stolen happiness Never akong naging maganda sa candid shots. Lalo na kapag humahalakhak ako. Never ever ever akong naging maganda. Pero ewan ko ba kung bakit nagustuhan ko tong picture na to. Stolen lang to, habang tawang tawa kami ng mga kaibigan ko.. Kapag tinitignan ko to, napapangiti ako. Nakakatuwang makita yung sarili ko na tumatawa dahil sa totoo lang, bibihira nalang ang mga moment na masayang masaya ako. Takot na akong maging sobrang saya, dahil alam ko may parte ang araw na magiging malungkot ako. Ganun naman talaga eh, di sayo ibibigay ng Dyos ang isang perpektong araw. Kaya hanggat maaari, ayokong nagiging masaya ako ng sobra sobra, dahil alam kong malulugkot din ako tulad ng kung gaano ako kasaya.. Kahit ilang beses kong maramdaman at sabihing okay na ako, masaya na ako at kaya ko na, dumadating din yung mga oras na nanghihina ako at walang magawa kundi umiyak dahil bumabalik yung sakit.. Ewan ko ba, pero kahit na ang tagal nang nangyari, may mga pagkakataon pa din na bumibisita ang kalungkutan at sakit. At para sa akin na talaga namang napakasensitibong tao, madali lang sa akin ang mapaluha at ganun din naman sa aking pagtawa. Kaya't sa twing nakikita ko tong picture na to eh napapangiti ako at masaya akong nakikita ang sarili kong masaya. Kung pwede lang na sana magkarun ako ng pagkakataon na maging masayasa mahabang panahon, ichecherish ko, pero sa ngayon, hindi pa Niya iyon naibibigay sa akin. Pero siguro, malapit na. Kelangan ko lang talagang maghintay :) ![]() |