hi
 photo 3088eb5a-c7f5-4fe9-8cf1-88f518c3bfaa_zps7d65136d.jpg
Hi. I'm LARA MONICA

This is a secret blog. HAHAHA.
20 | UPIS | CEU
SEXY and CAREFREE


Link Bold Italics Slashed Underline
lara monica
 photo 144ed68d-b31b-4f59-942d-f2e6700a2593_zps7343a6f0.jpg

Miss Hopeless Romantic who wants to travel around the world with the one she loves.

This blog's consisting of super emotional feelings. Better be prepared for heartfelt narratives. All the written "stories" in here are based on a true-to-life story.



tag
GET TO KNOW ME MORE WITH THIS
y!m: laraacuba
skype: acinomaral
instagram: acinomaral
formspring
plurk
multiply
facebook
tumblr
twitter
friends

friends :) MORE

birthdays
JULY 6

is the date to remember forever.
extras
thanks
layout by marian
thanks to :


BY: LARA DATE: Monday, August 10, 20091:19 PM NOTE[s]: 0

super nanay. :)

mahaba 'to. haha. naisip kong gawin 'tong entry na to dahil binilhan niya ako ng large fries at spag w/chicken ng Mcdo kahapon bilang breakfast ko. hindi ako binibilhan ever ng mom ko ng large fries. kung bibilan man niya ako eh yung regular lang. ang mga dahilan niya: mahal daw, maxadong malaki, di ko mauubos at isa lang naman daw akong kakain, so tama lang ang regular para sa akin.

natutulog pa ako kahapon, ginising niya ako para sabihing pupunta xa sa market para bumili ng lulutuin niya. balik tulog ulit ako. 9am na ng magising ulit ako, pagbaba ko, wala pa xa. wala pa kaming pagkaen, gutom na ako. buti na lang may natira pa akong Quaker oats cookies so yun muna kinain ko. ginawa ko ang essay ko para sa ACET at ang proj nameng blog entry sa econ. tinype ko na rin para matapos na. 10am na, wala pa rin xa. nagaalala na ako, di naman xa nagttxt. at gutom na rin ako. :(

1030 xa dumating kasama ang tita ko. ang daming napamili. haaay. ang tagal. pagkakita ko, may Mcdo, excited na akong kumain at naamoy ko na ang fries. yummy. haha. :) kumain na ako. maya-maya nagstart na magluto ang mommy at tita ko. ewan ko kung ano yung lulutuin nila. kala ko tama na ang dalawang oras para matapos ang ginagawa nila. hindi pala. lunch na, gutom na naman ako ulit. pero di ako nagrereklamo. baka kung ano ang masabi nila. nagayos na lang ako ng mga damit ko sa cabinet at naghalungkat ng kung anu ano sa package na pinadala sa amin.

tas biglang pumanhik yung mom ko, kiniss ako at nagsorry. ewan ko kung bakit, tas sabi niya baka daw kasi hinahanap ko xa or nagugutom na ako. ang sabi ko na lang, hindi, ayos pa naman ako dito, ;) tas naisip kong baka pagod na xa. pagod na sa araw araw niyang mga gawain.

halos 12+yrs na xang gumigising ng maaga para iluto ang kakainin at babaunin ko. para labhan, planstahin at ihanda ang uniform ko. para iinit ang tubig kapag malamig. at para ihatid ako sa school. nakakapagod kung iisipin. madami na xang nagastos dahil sa mga kailangan at luho ko. nakakahiya. pero kahit isang beses, hindi ko xa narinig na magreklamo o humingi ng kapalit. lagi xang nagaalala kung di ako nakakain at ako lagi ang una niyang iniisip bago ang sarili niya. narealize ko to nung sinabi saken ng tita kong "haynako lala, buti nga ikaw ginaganyan ng mommy mo eh, eh si **** wala yung pakialam sa mga anak niya kung nakakain ba o hindi."

masungit, mataray, suplada at mitikulosa, yan yung nanay ko. kaya siguro ganyan din ako. kala ko dati yung mom ko na ang pinakamasamang tao sa buong mundo dahil lagi niya ako pinapalo, kinukurot, pinapagalitan, sisigawan at kung anu ano pa. hindi pala.. xa pala ang best nanay sa buong mundo. kengkoy ba. hindi pala xa masungit. hindi strikto. masayang kasama. masarap kakwentuhan. parang ka-age ko lang xa. parang magkaibigan lang kami - bestfriends ba. :) 16yrs ko na xang kasama. hindi pa ata kami naghihiwalay. kaya naging dependent ako sakanya.

hindi niya ako sinusuportahan sa pagiging swimmer ko at ang pagsali ko sa COCC. spbrang iniingatan niya yung skin ko dati. bwal dumapo ang lamok. kaya nung nagakasugat ako dahil pag low crawl namen, nanghinayang xa. bakit ko daw sinisira ang skin ko na matagal na niyang inaalagaan? sabi ko, ok lang yun. bahagi na yan ng buhay ng tao. hahaha. :D pinapagalitan niya rin ako kapag gabi na ako nakakauwi galing training ng swimming. hindi daw iyon ang tamang oras ng paguwi. alam ko. nagkakataon lang naman. naisip kong, masaya kasi ako sa ginagawa kong to kaya ipinagpapatuloy ko pa rin.

sabi nga niya kapag nakapasa ako ng UP Baguio, join din xa dun. hahaha. bongga! ewan, di ko ata talaga kayang mawala yung mom ko saken. :( nung nagaway away kami nila tin anna sj at patter, sobrang kinomfort niya ako. nakakatouch. kasi kahit lahat ng tao mangiwan at awayin ako, alam kong nanjan pa din xa at di ako iiwan. :((

kaya nga kung sakaling ampon lang pala ako at dumating ang tunay kong parents, hinding hindi ako sasama. kahit na sabihin nating super mayaman sila at kayang ibigay ang gusto ko, hindi pa rin. may kaya naman kami sa buhay at naibibigay naman ng mom at dad ang gusto ko. so bakit pa ako hihiling ng iba? :D

//laraacuba