hi
 photo 3088eb5a-c7f5-4fe9-8cf1-88f518c3bfaa_zps7d65136d.jpg
Hi. I'm LARA MONICA

This is a secret blog. HAHAHA.
20 | UPIS | CEU
SEXY and CAREFREE


Link Bold Italics Slashed Underline
lara monica
 photo 144ed68d-b31b-4f59-942d-f2e6700a2593_zps7343a6f0.jpg

Miss Hopeless Romantic who wants to travel around the world with the one she loves.

This blog's consisting of super emotional feelings. Better be prepared for heartfelt narratives. All the written "stories" in here are based on a true-to-life story.



tag
GET TO KNOW ME MORE WITH THIS
y!m: laraacuba
skype: acinomaral
instagram: acinomaral
formspring
plurk
multiply
facebook
tumblr
twitter
friends

friends :) MORE

birthdays
JULY 6

is the date to remember forever.
extras
thanks
layout by marian
thanks to :


BY: LARA DATE: Friday, February 20, 20099:06 PM NOTE[s]: 0

war. cx

ganyan ba ang spelling ng tagalog ng war? hehe. giyera. nice word. very very nice. :D

yan ang topic namen ngayon sa social, world war 1 at 2. ang daming naganap sa mga panahong iyon. nagpapsalamat ako at nde ako nabuhay sa mga panahong iyon. nakakatakot. di ko alam kung anong gagawin ko dun. nakakaloko. nakakalito. mas gugustuhin mo pa sigurong mamatay agad kesa mahirapan pa.

nagtanong din samen nyan si sir desamito. pinakuha kami ng iba't ibang bagay na makakatulong sa paglaban namen sa giyera. yero ata yung kinuha ko. pwede xang offense at defense. pinagresearch niya kami tungkol sa mga kahulugan ng giyera at kung ano ano pa pero mukhang nakalimutan na niya yun. hehe. :p

err. pero ano nga ba ang giyera? para sa akin kasi, yun yung labanan ng dalawa o higit pang grupo. meron silang mga nais makuha kaya sila nakikipaglaban. maraming mga armas ang kinakailangan upang ikaw ay manalo. hindi ko alam kung meron nga bang nanalo sa isang giyera. wala naman ata, except na nga lang kapag may sumuko. sa mga panahong ito, marami ang nasusugatan lalo na ang mga namamatay. maraming mga dugo ang tumagas, maraming mga tao ang nagbuwis ng buhay para sa kanilang bansa - nasyonalismo. maraming pagbabago ang nangyayari, sa mga bansa pati na sa mga tao. nakakalikha ito ng bagong yugto sa buhay ng mga tao.

ako. parang nanggaling ako sa isang giyera. nde man ito tugma sa depenisyong aking nabanggit, nakaramdam pa din ako ng giyera. isang gulo sa dalwang panig. lahat kami ay may kasalanan dito. kaya wala dapat sisihin. pero walang nagpapatalo. lahat lumalaban, lahat may kanya kanyang mga opinyon na patuloy na pinauunlad. may mga msasakit na nasabi, may mga magagandang nasabi. maraming mga inosente ang nadamay. may mga nasaktan ngunit ako ang higit. maraming luha ang tumulo mula sa mga mata. maraming mga masasakit na salita ang natanggap. madaming nagbago - sa buong buhay ko at ng ibang mga taong nakapaligid sa akin. tulad sa totoong giyera kung saan maraming mga nasira, mahirap itong ibalik sa dati. taon ang bibilangin bago pa ito maibalik sa dati. at maaaring hindi na nga ito maibalik. sa akin kaya, ilang segundo, minuto, oras, araw, linggo, buwan at taon pa ang aking bibilangin upang maibalik ang dating ako.? or hindi na rin mababalik? sabi nga dun sa kanta, "i will never be the same again." ewan ko. hindi ko alam. hindi ko alam kung mas nakabubuti na ang ganito o ang dati.
ngayon, ano na nga ba ang nangyari? sino ang nanalo? sino ang natalo? sino ang nakalamang? sino ang lugi? wala naman siguro. ayokong tignan sa ganung paraan kung ano man ang nangyari. mabuti na ngayon, wala mang nagtaas ng white flag, pareho namang ibinaba ang red flag. mas maganda tong tignan. mas magandang isipin. at mas ok na ang lahat. sa totoo lang, napagod ako. nanghihina ako ngayon. gusto kong magpahinga mula sa nakaraang giyera. pareparehas naman tayong nasaktan eh. kelangan nating magpahinga. ako ngayon, sinusubukang itayo ulit ang sarili at muling magsimula. nagpapakasaya at kinakalimutan na ang nakaraan.

kalimtan na natin yun. tapos na yun. pero alam kong imposible itong makalimutan, tumatak na ito sa ating puso at isipan. ngunit hangga't maaari ay wag na itong balik balikan pa. magpakasaya na ang lahat. :)